Friday, February 19, 2016

Ako si Alice, isang socially awkward na walang magawa sa buhay kaya naisipang gumawa ng walang sense na blog.  Actually, may ginagawa naman pala ako. Isa akong mag-aaral. Hindi man papasa sa standards mo ng  “huwaran”, papasa naman sa board exam (tiwala lang ang puhunan). Kumukuha ako ng kursong panghokage sa isang simpleng pampublikong kolehiyo.

Mahilig akong magbasa. Romance at psycho-thriller ang ikinaliligaya ng puso at utak  ko. Given na siguro na mahilig ako sa romance kasi nga babae ako – hopeless romantic. Romance novels are food for the heart at ang psycho-thriller naman ang food for the mind. Lakas makasira ng utak ng mga ganon pero dabest naman! SA ngayon, fantasy muna ang pinagkakaabalahan ko. Throne of Glass Series.

Mahilig din akong maglakad-lakad. Yung tipong wala namang pupuntahan. Weird ba? Ang gaan kasi sa feeling maglakad-lakad. Hindi ka nagmamadali, wala kang kausap, at sarili mo ang oras. Kapag vacant ako at tinatamad ako magbasa, yan ang madalas kong pass time.

Mahilig din akong kumain!